dzme1530.ph

P1.2-M, naghihintay sa makapagtuturo sa pumaslang kay PLt. Col. Marlon Serna

Nag-alok ng P1.2-M na reward ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at Bulacan Local Government, para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga nasa likod ng pagpaslang sa Chief of Police ng San Miguel, Bulacan.

Ito’y matapos barilin sa ulo ng mga hindi nakilalang salarin si Police Lt. Col. Marlon Serna, sa isang operasyon na isinagawa sa San Ildefonso, Bulacan noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Police Regional Office 3 Dir., PBGen. Jose Hidalgo Jr., ang P300,000 pabuya ay magmumula sa kanilang opisina habang ang P500,000 naman ay mula sa DILG at P200,000 mula sa PNP.

Nag-alok din si Bulacan Gov. Daniel Fernando nang P200,000 reward sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng dalawang suspects na umano’y kawatan at lulan ng motorsiklo ang bumaril kay Serna.

About The Author