dzme1530.ph

OSG, naghain ng quo warranto petition laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo

Naghain ang Office of the Solicitor General ng quo warranto petition laban kay suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Inihain ang quo warranto sa Manila Regional Trial Court laban sa respondent na si Guo Hua Ping a.k.a. Alice Leal Guo.

Ayon kay SolGen Menardo Guevarra, si Guo ay hindi eligible na humawak ng public office dahil isa itong Chinese national.

Sinabi pa ng SolGen na iligal ang paggamit ni Guo sa mga tungkulin at responsibilidad bilang alkalde, at ang ipinakita niyang “serious dishonesty” o kawalan ng katapatan ay maaaring mag-resulta sa pagpapatalsik sa kanya sa pwesto sa ilalim ng Local Gov’t Code.

Mababatid na bukod sa isyu sa kanyang nationality ay sinasabing dawit din si Guo sa operasyon ng POGO.

About The Author