dzme1530.ph

OMBUDSMAN, MALAYANG USIGIN ANG SINUMAN KAHIT MALAPIT SA PRESIDENTE

Loading

Malaya ang Office of the Ombudsman na usigin ang sinumang may pananagutan sa flood control scandal, kabilang na ang mga malalapit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Sinabi ng Ombudsman na kinikilala ng kanilang opisina ang ulat sa bayan ni Pangulong Marcos tungkol sa mga imbestigasyon sa flood control.
 
Nagpasalamat din ang Ombudsman sa Pangulo dahil malaya nilang nagagampanan ang mandatong ibinigay sa kanila ng Konstitusyon at nasusunod ang mga ebidensya saan man ito humantong, kabilang na ang mga pinakamalapit kay Marcos.
 
Ginawa ng Ombudsman ang pahayag isang araw matapos sabihin ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kahapon na inaasahan ang pagsasampa ng patong-patong na kaso laban sa kanyang pinsan na si Leyte Rep. at dating Speaker Martin Romualdez, kaugnay ng flood control anomalies.

About The Author