dzme1530.ph

PAG-AMYENDA SA EPIRA LAW, WELCOME SA MURANG KURYENTE PARTYLIST

Loading

Welcome kay Murang Kuryente Party-list Rep. Arthur Yap ang SONA message ni PBBM para amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at tanggalin ang systems loss at VAT sa electric bill.
 
Pinuri ni Yap si Pangulong Marcos dahil ang mensahe nito ay malaking hakbang tungo sa katuparan na gawing affordable sa bawat Pilipino ang kuryente.
 
Dahil diyan, inaasahan ng kongresista na ang dalawa nitong panukala, ang HB No. 9218 na layong i-regulate ang pass-through charges gaya ng systems losses, at ang HB No. 8415 o removal ng VAT sa systems loss charges, ay magiging LEDAC priority measures.
 
Tiniyak din ni Yap na magsusulong siya ng amendments sa EPIRA para sa transparency, pababain ang electricity rates, at palakasin ang consumer protection.
 
Para sa Murang Kuryente Party-list, ang access sa affordable electricity ay hindi na lamang “mere necessity” kundi fundamental sa economic growth, national competitiveness, at pagpapabuti sa buhay ng bawat Pilipino.
 
Bilang isang “middle-income country,” dapat lang isulong ang polisiya para sa abot-kaya, accessible, at reliable electricity sa lahat.

About The Author