dzme1530.ph

P16-M danyos sa kaso na isinampa laban kay dating Energy Sec. Cusi hinihiling ng isang senador

Humihingi ng danyos si Senator Sherwin Gatchalian na aabot sa P16-M sa kasong sibil na isinampa nito laban kay dating Energy Sec. Alfonso Cusi.

Mababatid na nag-ugat ang kaso sa isang pahayag ni Cusi matapos i-post sa website ng Department of Energy ang mapanirang puri laban kay Gatchalian na pinoprotektahan umano nito ang ilang negosyante.

Ayon kay Gatchalian, malinaw na malisyoso ang intensyon ni Cusi at hindi patas ang mga akusasyon nito na walang sapat na batayan at pawang paninirang-puri lamang.

Matatandaang, naungkat ito sa pagdinig ng Senado matapos ang paglipat ng 45% participating interest ng Chevron Philippines sa UC Malampaya na dating pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy dahilan para irekomenda ni Gatchalian na sampahan ng kasong kriminal si Cusi sa Office of the Ombudsman.

About The Author