dzme1530.ph

Negros Oriental Gov. Roel Degamo, inilibing na

Halos dalawang linggo matapos paslangin, naihatid na sa kanyang huling hantungan si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Hindi napigilan nang pagbuhos ng ulan ang mga residente mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan na magtungo sa hometown ni Degamo sa Bonawon, Siaton upang magbigay ng kanilang huling respeto sa pinatay na Gobernador.

Sa pagtaya ng Siaton Police, mahigit 6,000 katao ang nakipaglibing kay Degamo, kahapon.

Inilibing ang Gobernador sa tabi ng kanyang ama at kapatid na babae sa isang pribadong libingan malapit sa kanyang bahay.

About The Author