dzme1530.ph

NATITIRANG UNPAID HEA NG HEALTHCARE WORKERS, PINABIBILISANG BAYARAN

Loading

Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health o DOH na agarang ayusin at bayaran ang natitirang unpaid Health Emergency Allowance o HEA ng mga healthcare worker.
 
Binigyang-diin ni Go na may mga health worker pa ring hindi nakatatanggap ng kanilang HEA.
 
Matatandaang naglabas ang gobyerno ng 27 billion pesos noong 2024 at 6.7 billion pesos noong 2025 para sa pagbabayad ng mga HEA claims.
 
Ayon kay Go, pinaghirapan ng mga health worker ang benepisyo at nararapat lamang na matanggap nila ito.
 
Hiniling niya sa DOH na bigyan ng karagdagang atensyon ang isyu at tiyaking ganap na mabayaran ang lahat ng valid na HEA claims.
 
Iginiit ng senador na malaki ang sakripisyo at serbisyo ng mga healthcare worker, lalo na noong panahon ng pandemya, kaya dapat lamang na maibigay sa kanila ang benepisyong kanilang pinaghirapan.

About The Author