dzme1530.ph

BUDGET DEPARTMENT, TARGET NA PABILISIN ANG PROSESO SA PARE-RELEASE NG SALARY DEFICIENCIES NG MGA KAWANI NG GOBYERNO

Loading

Bumubuo ang Department of Budget and Management (DBM) ng bagong sistema para mapabilis ang paglalabas ng salary deficiencies para sa mga kawani ng pamahalaan, gaya ng public school teachers.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na sa ilalim ng reporma, hindi na kailangan ng hiwalay na funding request para ma-proseso ang salary adjustments.
 
Aniya, sa sandaling ma-update ng isang ahensya ang kanilang Plantilla Masterlist at makitang may salary deficiency, agad na itong matutukoy ng DBM para makapag-release ng kinakailangang pondo.
 
Idinagdag ni Castro na layunin ng hakbang na tiyakin na mas mabilis na matatanggap ng mga guro at ng iba pang mga kawani ng gobyerno ang kanilang sweldo.
 
Plano aniya ng Budget Department na magsagawa ng live testing sa bagong sistema sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa fourth quarter ng 2026.

About The Author