![]()
Umapela si Senador Joel Villanueva sa DOH at PhilHealth na palawakin ang GAMOT Program o Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment.
Ayon kay Villanueva, nakatanggap ang kanyang tanggapan ng mga reklamo na karamihan sa gamot providers ay nasa urban areas, kaya napipilitang bumiyahe nang malayo ang mga benepisyaryo sa mga probinsya.
Sinabi ng senador na dapat makuha ang benepisyo ng programa sa loob o malapit sa komunidad.
Ayon naman kay PhilHealth President at CEO Beverly Lorraine Ho, nasa pilot stage pa lamang ang GAMOT noong 2025.
Ngayon, may 2,984 nang accredited GAMOT providers, pero 52 porsyento pa lamang ng mga local government unit ang may ganitong provider.
Dahil dito, iginiit ni Villanueva na dapat mas palawakin pa ang coverage ng programa, lalo na sa mga rural at malalayong komunidad.
