dzme1530.ph

National ID registration, bukas na para sa mga batang isang taong gulang pababa

Loading

Binuksan na ang National ID registration para sa mga batang isang taong gulang pababa, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sinabi ng PSA na dapat ay rehistrado na sa National ID System ang magulang o guardian ng bata na mag-a-apply para sa registration.

Ito ay dahil ili-link ang National ID number ng bata sa National ID number ng adult.

Inihayag ng PSA na tanging demographic information at litrato ng bata ang kukunin para sa kanilang National ID.

Ang kumpletong biometric information, kabilang ang fingerprints, iris scan, at updated front-facing photograph, ay kokolektahin kapag sumapit ang bata sa edad na lima (5).

About The Author