dzme1530.ph

MSRP para sa imported rice ipatutupad na bukas —DA

Loading

Inanunsiyo na ng Department of Agriculture na simula bukas ay ipatutupad na ang maximum suggested retail price para sa imported na bigas.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mula sa P58 ay ibababa na sa P55 ang kada kilo ng bigas na imported bukas.

Ito ay batay sa naging desisyon ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. dahil sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na lalong mapababa ang presyo ng bigas.

Aniya, sinabi pa ng kalihim na maaari pang bumaba hanggang P50 ang MSRP para sa kada kilo ng imported na bigas pagsapit ng Marso.

Samantala, sinabi pa ni de Mesa, na sa February 15 ay ipatutupad na nationwide ang MSRP para sa imported na bigas.

About The Author