dzme1530.ph

MIAA, naka-alerto laban sa ‘FLIRT’ COVID variant

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga biyahero na magsuot ng facemask sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Atty. Chris Bendijo, executive assistant ng MIAA, bagama’t hindi na obligado ang publiko na magsuot ng face mask makatutulong itong panglaban sa banta ng panibagong variant ng COVID-19.

Sinabi ni Bendijo na nakabase sa ilalabas na guidelines ng Department of Health kung anong paghihigpit ang kanilang ipatutupad sa paliparan.

Sa ngayon, naka-alerto na aniya ang MIAA para mapigilan ang pagkalat ng FLiRT COVID variant sa bansa.

About The Author