DZME1530

MIAA, naghahanda para sa mga babaguhin sa paliparan

Aminado ang Manila International Airport Authority (MIAA) na bukas na sa lahat ang mga paliparan at marami narin ang mga bumi-biyahe matapos mag-bukas ang ekonomiya pagkatapos ng pandemya.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Assistant General Manager Brian Co ng MIAA, marami silang mga programa para mapabilis ang transaksiyon sa mga paliparan.

Naniniwala rin ito, na ang paliparan ay hindi na angkop sa dami ng mga mananakay papasok at paalis ng bansa kaya marami silang mga babaguhin para sa ikagaganda ng paliparan at mapabilis ang biyahe.

About The Author