dzme1530.ph

Mga suspek sa Degamo slay, iinterbiyuhin para sa WPP ngayong Biyernes

Sumailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice ang anim na natitirang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nais ng 10 suspects na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation, na mapasailalim sa Witness Protection Program.

Sinabi ni Remulla na batid ng mga suspek  na wala silang ibang mapagpipilian para maprotektahan ang kanilang mga pamilya at handa naman ang ahensya na pag-aralan ang hirit ng mga ito dahil mahalaga sila sa kaso.

Inihayag ng kalihim na iinterbiyuhin ng WPP ang mga suspek ngayong Biyernes para sa proteksyon ng kanilang mga pamilya.

About The Author