dzme1530.ph

Mga pinakadelikadong matamaan ng pertussis, uunahing bakunahan ng DOH

Uunahin ng Department of Health (DOH) na mabigyan ng proteksyon ang mga pinakadelikadong matamaan ng pertussis o whooping cough.

Ginawa ng DOH ang pahayag sa gitna ng reports na hindi available sa health centers ang libreng booster shots para sa mga batang limang taong gulang pataas, adolescents, adults, at mga buntis.

Ipinaliwanag ng ahensya na sa sitwasyong limitado lamang ang resources, pinili nilang protektahan muna ang “most vulnerable,” subalit gumagawa naman sila ng mga paraan upang mabigyan ng access sa bakuna ang iba pang population groups.

Batay sa tala ng DOH, as of March 16, umabot na sa 568 ang pertussis cases sa bansa, kabilang ang 40 nasawi.

Sa naturang bilang, 393 cases ay below one-year-old.

About The Author