dzme1530.ph

MGA PAHAYAG NI VP SARA DUTERTE SA THE HAGUE RALLY, DIVERSIONARY TACTIC SA GITNA NG IMPEACHMENT TRIAL LABAN SA KANYA

Loading

Tinawag ni House Prosecutor Terry Ridon bilang “diversionary tactic” na naman ni VP Sara Duterte ang mga pahayag nito sa “Free Duterte Now” rally sa The Hague.
 
Sa naturang rally, sinabi ni Duterte na sa Pilipinas maaari siyang mag-hire ng gunman sa halagang ₱5,000 kung ang kanyang asawa ay magkaroon ng mistress o kabit.
 
Ginawa ito ni Duterte kasabay ng pagtestigo ng dalawang former LandBank manager na saksi sa encashment ng pitong tseke na ang kabuuang halaga ay ₱612.5 million.
 
Sa halip, aniya, na ito ang sagutin ay pag-hire na naman ng gunman ang lumabas sa bibig ng Bise Presidente.
 
Para kay Ridon, malalim talaga ang problema dahil madalas bukambibig ni VP Sara ang pagpatay.
 
Mula, aniya, sa ini-imagine nitong pinupugutan niya ng ulo ang Pangulo, sa pakikipagkasundo sa assassin para patayin si PBBM, First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez, hanggang sa pagkuha ng gunman sa halagang ₱5,000 lamang.
 
Para kay Ridon, hindi dapat maging normal sa isang opisyal gaya ni VP Sara ang pagsasalita tungkol sa pagpatay, lalo na kapag ito ay nagagalit o may matinding puot na nararamdaman.

About The Author