![]()
Ipinagdiwang ng Filipino-Japanese actress na si Kaori Oinuma ang isang life milestone matapos grumadweyt sa kursong Psychology sa Philippine Women’s University.
Ibinahagi ng 26-year-old celebrity ang kanyang latest achievement sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, kung saan ipinost niya ang official graduation photos.
Sa caption, sinulat niya ang, “Every sacrifice, every late night, every setback led me here.”
Tumanggap naman ang “Pinoy Big Brother” alum ng congratulatory greetings mula sa kapwa celebrities, kabilang sina Anne Curtis, Enchong Dee, Sharlene San Pedro, Arlene Muhlach, Jeremiah Lisbo, at Alora Sasam.
Matapos mapabilang sa Big 4 finalists ng “Pinoy Big Brother: Otso,” napanood din si Kaori sa iba’t ibang pelikula, gaya ng “A Very Good Girl,” “Love at First Stream,” at “Meet, Greet, Bye,” at sa mga TV series, kabilang ang Philippine adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim” at “It’s Okay to Not Be Okay.”
