Patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine at Leon sa bansa.
Sa tala ng NDRRMC, pumalo na ito sa 154, mula sa nabanggit na bilang 20 rito ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo.
Habang, nasa 134 naman ang mga napaulat na nasaktan at mayroong 21 ang nawawala.
Sumirit na rin sa 8.8 milyon indibidwal o katumbas ng 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng dalawang bagyo.
May 193, 741 indibidwal o katumbas ng 47, 974 pamilya ang nananatili pa sa mga evacuation centers sa Regions 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions, 5, 6, 7, 8, 9, 12 at NCR.
Habang pumalo na sa mahigit ₱8.5 bilyon ang halaga ang pinsala sa imprastraktura at ₱6.3 bilyon naman sa sector ng agrikultura. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News