dzme1530.ph

Mga nagkanlong kay Apollo Quiboloy, kakasuhan ng PNP ng obstruction of justice

Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ng obstruction of justice ang mga indibidwal na nagkanlong kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Ito’y makaraang ihayag ni PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil na sinimulan na ang full investigation, para panagutin ang mga tumulong kay Quiboloy na takasan ang mga awtoridad.

Binigyang diin ni Marbil na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng obstruction of justice, at layunin ng kanilang imbestigasyon na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumulong sa pagtatago ng kontrobersyal na pastor.

Noong nakaraang Linggo ng gabi, Sept. 8, ay inaresto si Quiboloy, sa loob ng KOJC Compound sa Davao City, na sinimulang galugarin ng mga awtoridad noong Aug. 24. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News, sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author