dzme1530.ph

Mga labi ng Israeli na kasintahan ni Geneva Lopez, na parehong pinatay sa Tarlac, iuuwi na sa Israel

Iuuwi na ng mga kaanak ang mga labi ni Yitshak Cohen ang kasintahan ni Geneva Lopez na paraherong pinatay at inilibing sa bakanteng lote sa lalawigan ng Tarlac.

Mula sa Rizal funeral parlor sa Pasay, dinala ang mga labi ni Cohen sa PAIR-PAGS sa NAIA Complex para sa nakatakdang flight nito ng alas 7:00 ng gabi lulan ng Etihad Airways flight patungong Tel Aviv Israel.

Umaasa naman ang pamilya ng biktima na makamit ang hustisya na sinapit ng magkasintahan.

Matatandaang natagpuan ang dalawang bangkay ng magkasintahan na parehong may tama ng bala ng baril.

Sa ngayon hawak na ng PNP ang dalawang suspect sa krimen na dating pulis at testigo na mag didiin sa kanila na responsabling bumaril sa magkasintahan bago sila inilibing sa naturang lugar.

About The Author