dzme1530.ph

Mga Katoliko, hinikayat ng Pangulo na palalimin pa ang pananampalataya ngayong Ash Wednesday

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Katoliko na palalimin pa ang pananampalataya, kasabay ng paggunita ng Ash Wednesday.

Sa Social Media post, hinikayat din ng Pangulo ang mga katoliko na magnilay-nilay.

Ibinahagi rin ni Marcos ang litrato kung saan makikitang nagpalagay ito ng krus na abo sa noo, bilang pakikiisa sa Ash Wednesday.

Ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

About The Author