dzme1530.ph

Mga bus sa PITX at Cubao stations, fully booked na para sa Semana Santa 2025

Loading

Nakararanas na ng delay ang mga pasaherong patungo sa mga lalawigan para sa Holy Week, dahil fully booked na ang mga bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Cubao stations.

Marami sa mga pasahero na patungong Bicol Region ang napilitan na umanong i-postpone ang kanilang biyahe bunsod ng kawalan ng masasakyan.

Sa report ng PITX, nasa 160,000 passengers ang dumagsa sa terminal noong Sabado at ganito rin ang inaasahang bilang kahapon.

Nilinaw ni Kolyn Calbasa, Senior Officer for Corporate Affairs ng PITX, na marami ang nakapag-advanced booking subalit hindi ito nangangahulugan na wala nang biyahe sa terminal.

Samantala, sa Cubao, Quezon City, fully-booked na ang air-conditioned buses na patungong Camarines Norte hanggang sa Sabado De Gloria, April 19.

Pinaalalahanan naman ni Transportation Secretary Vince Dizon ang terminal operators na panatilihing malinis at gumagana ang mga pasilidad, lalo na ang mga restroom o palikuran.

About The Author