![]()
Tinitingnan ng PNP ang posibilidad na naimpluwensyahan ng online game na GoreBox ang violent behavior ng isa sa dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon kay Police Brig. Gen. Jason Capoy, director ng Police Regional Office sa Eastern Visayas, naglalaro ang 14-anyos na suspek ng GoreBox, isang sandbox-style game kung saan pinapayagan ang mga player na lumikha at sumira ng mga bagay at mag-simulate ng kaguluhan gamit ang iba’t ibang armas.
Iniimbestigahan din ang mga ulat na ang pag-atake ay nag-ugat sa bullying, batay sa naunang pahayag ng mga suspek.
Nilinaw din ni Capoy na nananatili sa tatlo ang death toll habang umakyat sa 20 ang nasugatan na kinabibilangan ng 15 tinamaan ng bala habang lima ang nasaktan habang tumatakas.
