dzme1530.ph

MGA BATANG NAGKASALA SA BATAS, HINDI NANGANGAHULUGANG LIGTAS SA ANUMANG PANANAGUTAN

Loading

NILINAW ni Senator Kiko Pangilinan na hindi nangangahulugang ligtas sa anumang pananagutan ang mga batang nagkasala sa batas.

May kinalaman ito sa dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act, kapag heinous crime ang kaso ay maaaring magkaroon ng minimum na isang taong involuntary confinement o hindi maaaring pakawalan ang nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Minimum lamang anya ang isang taon at maaari pa itong maging dalawa o tatlong taon depende sa takbo ng kaso at kanilang rehabilitasyon.

May mga aktwal din anyang kaso ng ilang menor de edad na alam na ang tama at mali ay nasentensyahan dahil sa bigat ng paglabag sa batas.

Binigyang-diin ni Pangilinan na hindi totoo at hindi tamang sabihing ang mga kabataang nagkasala sa Tacloban ay dapat pakawalan dahil malinaw sa batas ang kanilang krimen.

About The Author