dzme1530.ph

SEQUENCE NG ARTICLES OF IMPEACHMENT, ISINUMITE NA SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Inilatag na ng House Prosecution Team ang posibleng sequence o order of evidence sa nalalapit na impeachment trial.
 
Sa isinumiteng preferred sequence ng prosekusyon sa Senate Impeachment Court, nais nilang simulan ang paglilitis sa Article 4 na may kaugnayan sa assassination plot, grave threats, at inciting to sedition.
 
Ayon kay House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, bahagi ng kanilang June 22 submission ang proposed sequence, ngunit kailangan pa itong aprubahan ng korte o Impeachment Court.
 
Kasunod ng assassination plot ay ang Article 1 o misuse at misappropriation ng confidential funds.
 
Susunod naman ang Article 3 na tumatalakay sa bribery at corruption sa loob ng Department of Education.
 
Sa huli ay tatalakayin ang Article 2 na may kaugnayan sa unexplained wealth, false SALN, at continued business interest.
 
Ayon sa prosekusyon, sa ganitong pagkakasunod-sunod ay mas magiging madali ang pag-unawa hindi lamang ng senator-judges na mag-evaluate at mag-aassess ng mga ebidensya, kundi maging ng publiko.

About The Author