![]()
Sa tulong ng tip ng isang residente kay Navotas Rep. Toby Tiangco, naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 10 katao na sangkot sa “paihi” o pagbebenta ng diesel na may halong tubig sa pabahay sa Barangay Tanza.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang tanker na may lamang 28,000 liters ng diesel na aabot sa ₱2.5 million.
Sa kabuuan ay nasa ₱12 million ang halaga ng nakumpiskang petrolyo, kasama ang dalawang bangka at tanker.
Ang iligal na diesel ay ibinebenta sa mga gasolinahan at sa maliliit na parokyano sa halagang ₱150 kada balde.
Ang nakababahala pa, ayon kay Tiangco, bukod sa nakaka-pollute ay mayroong impormasyon na may protektor sa iligal na operasyon.
Sinabi ni Tiangco na kailangang malaman ang lahat ng sangkot sa naturang iligal na aktibidad at mapanagot sa batas.
