![]()
IGINIIT ni Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development Chairman Erwin Tulfo na panahon na upang lagyan ng pangil ang implementasyon ng Anti-Bullying Act.
Sinabi ni Tulfo na nakakapangilabot na dati ay masasakit na salita lamang, pisikal na away at suicide ang resulta ng bullying.
Subalit ngayon ay humantong na ito sa pamamaril sa loob mismo ng eskwelahan.
Sinabi ng senador na hindi dapat pumayag na mahanay ang Pilipinas sa mga bansang talamak ang bullying at mass shooting.
Iginiit naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na mahalaga ang pagtutulungan ng mga magulang at mga lokal na pamahalaan para matugunan ang paglala ng problema sa karahasan sa mga eskwelahan sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, maaaring magtulungan ang mga magulang at LGU sa pamamagitan ng Parent Effectiveness Service Program.
Itinatag ang PES Program sa ilalim ng Parent Effectiveness Service Program Act na siya ang may-akda.
Sa ilalim ng batas, palalakasin ng PES Program ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at parent-substitutes sa pagtugon sa kanilang mga responsibilidad, kabilang ang pangangalaga at pagtataguyod ng mga karapatan ng mga bata, at iba pa.
