dzme1530.ph

150,000 PESOS NA TULONG PINANSYAL, IPAGKAKALOOB SA MGA PAMILYA NG MGA ESTUDYANTENG NASAWI SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

Loading

Inanunsyo ng Malakanyang na makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi sa Tacloban school shooting.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, bawat pamilyang namatayan sa malagim na insidente ay pagkakalooban ng 150,000 pesos na financial assistance.
 
Inihayag din ni Castro na patuloy ang pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Health (DOH) ng psychosocial services sa lahat ng mga naapektuhan ng insidente.
 
Sa inisyal na imbestigasyon, nalaman na noon pang Abril o Mayo plinano ng dalawang menor de edad na suspek ang pag-atake sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng dalawampung iba pa.

About The Author