Nanumpa na ang mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa harap ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Sa kanilang oath-taking, nanawagan si Macacua sa mga bagong opisyal ng BARMM na magsilbi nang may integridad at isulong ang mga mithiin ng Bangsamoro people.
Sinabi pa ng BARMM Chief na ang kanilang pinanumpaan ay higit pa sa pagpapatibay ng tungkulin, dahil simbolo ito ng kanilang hindi matatawarang dedikasyon.
Ang BTA Parliament ay ang interim government sa BARMM tuwing transition period, alinsunod sa Republic Act No. 11054, at mayroon itong legislative at executive powers.
Ang kanilang termino ay hanggang sa October 2025, kapag nagtapos na ang transition period, kasunod ng BARMM Parliamentary Elections.