dzme1530.ph

RAMIL MADRIAGA, MAAGANG DUMATING SA BATASANG PAMBANSA PARA SA PAGDINIG KAUGNAY SA IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

Maagang dumating sa Kamara si Ramil Madriaga, ang nagpakilalang aide at umano’y bagman ni Vice President Sara Duterte upang humarap sa impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo.
 
Bago mag-alas-7 ng umaga kanina nang dumating na sa Batasang Pambansa si Madriaga mula sa kanyang detention center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
 
Nagsilbing escort ni Madriaga ang ilang tauhan ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police at Bureau of Jail Management and Penology.
 
Pinayagan ng korte si Madriaga na humarap sa pagdinig ng House Committee on Justice matapos siyang isubpoena upang magbigay ng linaw sa mga naging tungkulin niya kay VP Sara.

About The Author