dzme1530.ph

Mega job fair ng PESO Manila, muling aarangkada

Muling magsasagawa ng Mega Job Fair ang Public Employment Service Office (PESO) sa Lungsod ng Maynila, ngayong araw

Ayon sa PESO, gaganapin ito alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Sarmiento Covered Court sa Teresa St. kanto ng Old Sta. Mesa St., Sta. Mesa, Maynila.

Alok ng PESO ang nasa 10,000 bakanteng trabaho katuwang ang 64 employers na kalahok sa job fair.

Inaanyayahan ng PESO Manila ang mga High School graduates, College level, College at Tech/Voc graduates na naghahanap ng trabaho na pumunta sa Mega Job Fair.

Magdala lamang ng sariling ballpen, sampung kopya ng CV o Resume at magsuot ng casual attire.

About The Author