dzme1530.ph

Media, publiko, maging mabusisi sa pagpapangalan ng akusado — Cong. Jose Bong Teves

Umapela si TGP partylist  Rep. Jose Bong Teves sa media at sa publiko na gamitin ang buong pangalan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa pagbabalita hingil sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

Sa kanyang priviledge speech sa kamara,  nilinaw nya na wala syang kaugnayan kay Congressman Arnie at gayundin sa pagkamatay kay Governor Degamo.

Aniya, nagmula sila sa Catanduanes at hindi sa Negros Oriental kung saan nangyari ang pamamaslang.

Naapektuhan na rin kasi ang kanyang pamilya ng mapagkamalan sya ang “Congressman Teves” na nasa likod umano ng pagkamatay kay Degamo.

About The Author