dzme1530.ph

Single Ticketing System, planong ipatupad ng MMC sa katapusan ng Abril

Target ipatupad ng Metro Manila Council (MMC) ang Single Ticketing System sa katapusan ng Abril.

Ayon kay MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora, aabot sa 8 LGUs ang lalahok sa dry run ng Single Ticketing System sa una o ikalawang linggo ng susunod na buwan.

Sa ngayon, inaayos na lang aniya ang pagkakaroon ng access sa data ng mga motorista at rehistro ng mga sasakyan mula sa LTO bilang paghahanda sa implementasyon.

Naniniwala si Zamora na ang ipatutupad na Single Ticketing System ay mapapakinabangan ng mga motorista gayung hindi na malilito at maaari nang magbayad multa online sa oras na may malabag na batas-trapiko ang mga ito.

About The Author