![]()
Naglaan ang Philippine Ports Authority (PPA) ng 1.75 billion pesos para sa pag-upgrade ng dalawang terminals sa Luzon at Mindanao at sa konstruksyon ng isang bago sa Visayas.
Sinabi ng PPA na gagastos sila ng hanggang 1.75 billion pesos para sa port upgrades sa Quezon at Surigao del Norte at sa pagtatayo ng bagong pasilidad sa Samar.
Magtatayo ang PPA ng bagong port sa Catbalogan City sa Samar para magkaroon ang Eastern Visayas ng panibagong imprastraktura para sa trade and travel activities.
Target matapos ang New Catbalogan Port na nagkakahalaga ng 859.94 million pesos sa loob ng 720 days.
