dzme1530.ph

Rep. Arnolfo Teves Jr., nakaalis na sa Estados Unidos —Remulla

Kinumpirma ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na wala na sa Estados Unidos si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Remulla, nakatanggap siya ng impormasyon nitong Martes na nagtatago na sa isang bansa sa Southeast Asia si Cong. Teves pero hindi pa matukoy kung saang partikular na lugar ito naroroon.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Remulla sa kongresista na umuwi na at harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Si Teves ay iniuugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pang sibilyan noong Marso a-4, bagay na itinatanggi nito.

Samantala, nagdeklara ng holiday ang Malacañang ngayong araw, sa Negros Oriental bilang pagbibigay daan sa nakatakdang paglilibing kay Gov. Degamo.

About The Author