dzme1530.ph

IMPEACHMENT TRIAL NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, MATATAPOS BAGO ANG DECEMBER BREAK, AYON KAY SEN LACSON

Loading

KUMPIYANSA si Senator Judge Panfilo Ping Lacson na on track nilang matatapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio bago mag-December break ang Senado.
 
Ayon kay Lacson, posible ito dahil sa maayos at disiplinadong pangangasiwa ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero sa mga paglilitis, gayundin sa pahayag ng defense panel na tatlo hanggang apat na testigo na lamang ang kailangan nitong iharap.
 
Iginiit ni Lacson na ito ay maliban na lang kung may hindi inaasahang pangyayari.
 
Magpapatuloy ang impeachment trial sa December 1 at posibleng bago ang adjournment ng sesyon ng Senado ay magkakaroon na ng verdict ang impeachment court.
 
Una na ring sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na may consensus sa mga senator judges na tapusin na ang impeachment trial ngayong December upang makamove on na ang lahat at maging maayos ang pagsisimula ng taong 2027.

About The Author