dzme1530.ph

Loading

Hindi katanggap-tanggap para kay Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Marcus Lacanilao ang pagpunta ng vlogger na si Geo Ong sa tanggapan ng ahensya sa Quezon City, sa pamamagitan ng chopper.
 
Pinadalhan ng LTO ng show-cause order si Ong, kasunod ng kanyang nag-viral na litrato habang nagmamaneho ng motorsiklo na walang suot na helmet.
 
Sinabi ng LTO chief na mismong si Ong ang humiling na makausap siya nito ngayong Lunes, kahit hindi ito ang naka-schedule na pagharap nito sa ahensya.
 
Idinagdag ni Lacanilao na hindi na dapat ginawang content ni Ong ang pagtungo sa LTO dahil tila ginamit pa nito ang ahensya para magpasikat.

About The Author