![]()
Asahan ng American citizens na masusundan pa ang technology outages at disruptions habang pinapalitan ng mga kumpanya at government agencies ang aging systems.
Nagbabala si Jay Clayton, director ng National Intelligence, na bilang bahagi ng ongoing upgrade, magkakaroon, aniya, ng glitches, gaps, at interruptions sa serbisyo.
Binigyang-diin ni Clayton na kinakailangan ang upgrades upang mapagbuti ang performance at cybersecurity.
Naitala ang sunod-sunod na technology failures ngayong buwan na nakaapekto sa mahahalagang US systems.
Kabilang na rito ang pagtigil ng air travel sa buong bansa, Microsoft outage na tumama sa email services, isang technical glitch na nakaapekto sa major banks at temporary disruption sa network ng National Security Agency.
