dzme1530.ph

Justice Sec. Remulla, nagpatutsada kay Cong. Teves Jr. : ”umuwi sa Pilipinas sa halip na magdrama sa social media”

Muling hinimok ni Secretary Jesus Crispin Remulla si negros Oriental Representatives Arnolfo Teves Jr. na umuwi na lamang ng Pilipinas at itigil na ang drama sa mga social media.

Ang pahayag ni Remulla ay bilang tugon sa bagong social media post ni Teves, nakasaad sa naturang post ang pagtanggi nito sa nangyari pagpatay kay Gobernor Roel  Degamo.

Giit ni Teves, nasa labas siya ng bansa para magpagamot ng mangyari ang brutal na pagatake kay Degamo.

Ayon pa sa suspendidong mambabatas, maraming nagsasabwatan para idiin siya sa naturang krimen at kabilang dito ang mula sa Malacañang pero hindi ang Pangulong Bongbong Marcos.

About The Author