Lumiit ang fiscal gap ng pamahalaan noong Agosto sa gitna ng paglago ng state collections at pagbabawas ng expenditures sa naturang buwan.
Sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury, naitala sa ₱54.2 billion ang budget deficit ng national government noong nakaraang buwan, na mas mababa ng 59.25% kumpara sa ₱133-billion fiscal gap noong August 2023.
Ayon sa Treasury, ang bumabang deficit ay dulot ng 24.4% na paglago sa koleksyon ng pamahalaan, kasama ang 0.68% na pagliit ng government expenditures.
Dahil dito, nasa ₱697 billion ang budget shortfall simula Enero hanggang Agosto, na mas mababa ng 4.86% mula sa ₱732.5-billion deficit sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang budget gap sa unang walong buwan ay katumbas ng 46.95% ng inaasahang 1.5-trillion peso full-year fiscal shortfall para sa kasalukuyang taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera