dzme1530.ph

MAS MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA PALIGID NG BATASAN PAMBANSA, IPINATUTUPAD PARA SA SONA NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

Loading

Mas mahigpit na seguridad na ang ipinatutupad ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mamayang hapon.
 
Bukod sa mga tauhan ng pulisya, naka-deploy din sa Batasan Road ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
 
Mayroon ding ambulance at mobile command center na itinayo sa lugar ang MMDA.
 
Samantala, isinasailalim sa manual at X-ray inspections ang mga sasakyang papasok sa Batasan Complex.
 
May hiwalay ding inspeksiyon ang K9 units ng PNP Explosives and Ordnance Division, habang ilang tauhan na rin ng Presidential Security Command ang nagbabantay sa paligid.

About The Author