dzme1530.ph

Maritime exploration talks sa West PH Sea, ‘di dapat limitado sa China lang

Dapat ikunsidera sa isinusulong na maritime exploratory talks sa bahagi ng West Philippine Sea ang iba pang batas na may kinalaman dito.

Ito ang iginiit ni Sen. Grace Poe kasunod ng rekomendasyon ni Senate Committee on Foreign Relations Vice Chairman Francis Tolentino na isama ang Senado sa paguusap ng Department of Foreign Affairs (DFA) at China patungkol sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Poe na dapat silipin at pag-aralan din ng pamahalaan ang iba pang batas kaugnay sa maritime explorations bago itulak ang partnership sa China.

Nagpaalala rin si Poe na hindi lamang dapat sa China nakikipag-usap para sa exploration kundi maging sa iba pang bansa na may ‘claims’ o inaangkin din ang bahagi ng West Philippine Sea.

Idinagdag ni Poe na dapat maging gabay sa pakikipag-usap ang konstitusyon, kortesiya at transparency. –sa panulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author