![]()
Nabunyag ang malaking disparity sa report ng AMLC at sa actual SALN ni Vice President Sara Duterte.
Ipinakita ni AMLC Executive Dir. Ronel Buenaventura ang summary report ng VP Sara’s accounts na nakapag generate ng total 371 large transactions at 30 suspicious transactions mula Oct. 13, 2005 hanggang Jan. 20, 2026 na ang halaga ay umabot sa P55.158-M.
Pinuna ni House Deputy Speaker Jay Jay Suarez ang aniya hindi tugmang numero sa pagitan ng AMLC findings at actual SALN declarations sa maraming taon.
Noong 2007, sinabi ng AMLC na umabot sa P208,154,545.99 ang naging transaksyon ni VP Sara, subalit sa kanyang 2007 SALN nagdeklara lamang ito ng P7, 250, 497.
Nag sunod-sunod pa ang hindi tugmang numbers mula 2008 hanggang 2012 base sa imbestigasyon ng AMLC at records ng Ombudsman na siyang naglabas ng SALN.
2008 P48,801,376.27 ang flagged transaction ng AMLC, subalit ang SALN ni VP ay P18,493,616.65.
Noong 2009, P704.92-M ang listed transaction ng AMLC, kumpara sa declared net worth na P18,821,264.65
2010, P648.58-M ang sa AMLC, habang ang SALN ni Sara ay P16,242,886.65.
2011, nag-reflect sa AMLC ang P597.152-M transactions, habang P14,271,148.45 ang sa SALN, at sa 2012, P407.875-M plus ang sa AMLC kumpara sa SALN na P22,116,101.93 lamang.
