dzme1530.ph

Manila International Container Port, Subic, at PHIVIDEC, tinukoy na main transit points ng iligal na droga

Tinukoy ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t ang Manila International Container Port, Subic, at PHIVIDEC sa Cagayan De Oro, bilang main transit points ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, nasa 10,000 containers ang dumadaan sa mga pantalan kada araw, at mapaparalisa ang ekonomiya kung isa-isa pa itong bubuksan at iinspeksyunin.

Kaugnay dito, mula sa consumption side o street level ay tututukan na ngayon ng gobyerno ang supply side o mga supplier at pinagmumulan ng droga, kabilang na ang drug importers.

Nakikipagtulungan na rin umano ang pamahalaan sa anti-drug entities ng ibang bansa tulad ng US Drug Enforcement Administration, upang kaagad nang maharang ang pagpasok ng suplay ng droga. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author