![]()
Nakatakdang magdaos ang Viva Hot Babes ng reunion concert sa New Frontier Theater sa October 23.
Kinumpirma nina Andrea del Rosario, Maui Taylor, at Katya Santos ang muling pagsasama-sama ng Viva Hot Babes sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.
Sinabi ni Katya na ipinagpaliban niya ang plano na magbuntis ngayong taon dahil sa reunion concert.
Inihayag naman ni Andrea na nasa kanilang 23rd anniversary pa lang ang Viva Hot Babes, hindi gaya ng SexBomb Girls na nag-reunion concert sa kanilang 25th anniversary.
Isiniwalat din nila na inimbitahan sila ng SexBomb na mag-perform bilang guests sa kanilang “Get, Get Aw Reunion Concert” subalit hindi magtugma ang kanilang schedule para makumpleto ang grupo.
Idinagdag ng Viva Hot Babes na nais din nilang imbitahin sa kanilang Bulaklak reunion concert ang kanilang rival group noon na SexBomb.
