![]()
Dadalo si Vice President Sara Duterte sa kanyang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court, ngayong araw.
Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ng Bise Presidente, obligadong dumalo nang personal si VP Sara kapag binasahan ito ng sakdal, alinsunod sa batas.
Inihayag naman ni Daniel Nobieza, founder ng Inday Sara Movement Philippines, na nasa tatlong daang supporters ng Vice President ang inaasahang dadagsa para sa arraignment nito.
