![]()
KUMPIYANSA si Interior Secretary Jonvic Remulla na maiuuwi nila sa bansa si dating Cong Zaldy Co.
Sa panayam sa Senado matapos ang pagtalakay sa panukalang 2027 budget ng ahensya, binigyang-diin ni Remulla na sa susunod na dalawang linggo ay magtutungo siya sa France para iuwi si Co.
Binigyang-diin ng kalihim na alam nila kung nasaan si Co, ang address at bahay nito.
Kinumpirma ni Remulla na ang marching order ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ay iuwi si Co sa anumang paraan.
Samantala, tiniyak din ni Remulla na lumalaki na ang tsansa na mahuli na rin nila si Senador Ronald Bato dela Rosa subalit tumanggi munang idetalye ang kanilang hakbangin upang hindi mapreempt ang operasyon.
