dzme1530.ph

MANILA CONCERT NI PARK JI-HOON, KINANSELA; VENUE, INILIPAT SA MACAU

Loading

Kanselado na ang itinakdang Manila fan concert ng South Korean singer-actor na si Park Ji-hoon sa August 8.
 
Inanunsyo ng kanyang agency na sa halip ay gaganapin ang event sa Macau sa kaparehong petsa.
 
Sa kanilang official website, sinabi ng YY Entertainment na hindi na matutuloy ang Manila stop ng “RE:FLECT Asia Fan Concert Tour” ni Ji-hoon bunsod ng “unavoidable circumstances.”
 
Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang agency sa Filipino fans na excited na makita si Ji-hoon sa Manila dahil sa biglaang pagbabago.
 
September 2023 nang bumisita si Ji-hoon sa Pilipinas para sa Korea Travel Fiesta.
 
Itinakda naman ang kanyang brand-sponsored fan meeting sa Manila nitong Marso, subalit nakansela rin ang event.

About The Author