![]()
Hindi na sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque gaganapin ang last reunion show ng iconic group na SexBomb Girls sa Pilipinas.
Sa halip ay magpe-perform ang grupo sa Mall of Asia Arena sa April 30, araw ng Huwebes.
Ayon sa lider ng SexBomb na si Rochelle Pangilinan, inilipat nila ang venue dahil sa concerns sa init ng panahon.
Aniya, mula sa init at tayuan, mas malamig, mas komportable, at mas bongga ang pagdarausan ng kanilang final show sa Pilipinas.
Sa Mall of Asia Arena ginanap ang huling apat na reunion shows ng SexBomb Girls sa Metro Manila matapos unang idaos sa Araneta Coliseum.
Magtatakda rin magsagawa ng world tour ang girl group pagkatapos ng kanilang final show sa bansa.
