dzme1530.ph

Malaking bahagi ng bansa, uulanin ngayong araw

Patuloy na makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng trough ng low pressure area (LPA) ang mga lugar ng Davao region, Soccsksargen, and BARMM.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot rin trough ng lpa at localized thunderstorms.

Kung magpapatuloy ang malalakas na ulan, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar kaya maging maingat.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:50 ng umaga at lulubog mamayang 6:09 ng gabi.

About The Author